Saturday, June 24, 2017

MY NOTE, MY LIFE

October 26, 2017

          Balisa akong naka duty sa opisina ng kompanyang pinapasukan ko sa kadahilanang dumating na ang taong nagbigay ng sakit at sarap sa aking buhay.hahhahah

Nakita ko siya kahapon ng patungo ako sa tinatambayan kong computer shop. Di ko yun inakala, sadya nga sigurong mapagbiro ang aking buhay.hhahai pero may mahal na akong iba, sigurado ba talaga akong mahal ko pa siya? Bumalik pa kasi siya, heto masaya na ako sa bago kong mahal na si Jun.   Sana nga lang ay di kami mag kross ng landas. Maliit lang kasi tung bayang tinitirahan namin. Ayaw kong makita ang kanyang mukha ngunit pinipilit ng utak na aninagin ang kabuoan ng kanyang katawan (shit!). Bakit parang dumadalas ang pag-iisip ko sa kanya kaysa kay jun na minahal ko ng lubos nung iniwan niya ako? Panakip ng butas lang ba si jun? I am truly confused!!!! FUCK!!!!

           Alam kong medyo may kahinaan ang puso ko pagdating sa pag-ibig pero alam kong mahal na mahal ko si Jun. At alam kong di ako sasaktan ni jun tulad ng ginawa ni BL sa akin (Assuming).lol

Naiwan tuloy ako ng Bus going staff house for lunch sa kakaisip ng pwedeng mangyari sa aming tatlo if ever magkasalubong. Sana nga lang ay di ito mangyari. Iwan ko ba kong anong kaba ang na fefeel ko ngayon. Pati talaga trabaho ko ay talagang na aapektuhan na!


(Kagabi)

Nagkita nanaman kami ni Jun. Talagang natutunaw ang puso ko sa tuwing masilayan ang kanyang mukha at ngiti. Di ko masukat ang kaligayahang nadarama ko sa loob tuwig nandiyan siya. Sana nga lang ay magtagal kami hanggang sa maka gradwet ako sa kolehiyo. Actually, siya yung naging pinaka inspirasyon ko para magpatuloy sa kolehiyo. Kahit mahirap ang mga araw sa mga gawaing pang paaralan, pilit ko paring kinakaya kasi nandiyan si Jun sa puso ko.

No comments:

Post a Comment