Monday, May 30, 2016

Buhay ng isang weirdo.

Pansin ko sa sarili ko e parang iba ako sa mga normal na tao dahil parang minsan di nila ako naiintindihan. Minsan nga ang mga kaibagan ko ay nagagalit na pala. Siguro sanay lang akong prangka at seryoso sa Buhay dahil narin siguro sa hirap ng aming buhay, kailangang maging practical.

Ngunit sa isang tao lang ako nag-iiba, sa taong mahal ko ng lubos ngunit di nya alam. Ayaw kong ipakita yun dahil ayaw kong umasa. Mahal ko man siya pero kailangang kontrolin ang sarili bagamat kailangan ko ring protektahan siya sa mga kapatid niya na nang bubully sa kanya dahil sa akin. Gusto kong kumawala sa pag ibig ko sa kanya ngunit pilit kaming pinaglalapit ng tadhana. Gusto kong umalis sa aming bayan dahil sa kanya, ngunit di ko ma gawa.

Ayaw kong umamin na baliw na Ako sa kanya pero talagang nakikita at nararamdaman ko ang mga sintumas na obsess na ako a kanya.hahai

Sunday, May 29, 2016

mahal ko ba siya?

Sa tuwing nakikita ko siya, palagi nalang akong kabahan at nanginginig datapwat ako siguro'y takot na mabuking kahit alam na nyang umiibig Ako sa kanya. Marami na akong iniibig na kabarkada nya ngunit ewan , sa kanya lang Ako nagkaka ganito. Mahirap pala talaga ang pag ibig na ganito. Yun bang parang di ka nya pinapansin, yung di ka nya kilala kahit pareho kayo ng hilig. Dota nga naman. Di ko ini expect na mahuhulog ang loob ko sa isang bobo at walang alam sa mundo kundi ang pagiging lalake nya. Nakakasuka, pero kailangang tanggapin dahil mahal ko nga siya.

Malaki ang kasalungatan namin, at isa pa ang edad at kasarian namin.hahai buhay nga naman pag minamalas. Ayaw kong sa bandang huli ay magsisisi ako na kalimutan at iwan siya. Simple lang naman ang gusto ko, ang mahalin siya ng lubos ng buong-buo kahit imposible. At sana, kung mangyari man ay mahal nya rin ako. Oh di ba!?hahahah

MAHAL kita Harvey Dominic Sanchez!

Sana mag usap tayo sa panaginip


Thursday, May 26, 2016

Waiting for HIM

Shit! Nag aantay ako kanina pa kay harvey para man lang masilayan ko Ang taong naging inspirasyon ko para magtrabaho sa summer na buwan pero ni anino nya ay wla akong nakita. 

Sana ma e share ko man lang kahit kusing man lang sa perang maliit na kta ko para man lang mkabawi Ako sa tres pesos na dinukot ko sa bulsa nya noon. Mis ko na sya. San ka na ba Harv?

Monday, May 23, 2016

Buhay nga naman

Mahirap pag ikaw ang laging nag a adjust kahit alam mong ikaw ang nadidihado.hahai

Kung pwede lang sanang pumatay ng walang silbing kapatid. Bwesit na buhay talaga. Nagkataon pang ako ang may utak. Buti pa si Harvey.haahai

Minsan, naaalala ko pa tuloy ang pag-aaral ko sa dati kong eskwelahan, kung paano ako pinagsisilbihan ng gobyerno, ang allowance ko, mga libro, at iba pa. Ngayon, dito na ako sa maliit na paaralan ng aming nayon.

Pero di ko rin siguro makikilala so Harvey kung di ako umalis doon. Ang taong ito ay nakakapagpa-alis ng mga problema ko sa buhay. Para siyang doktor. :D


Kahit na may pagka masungit.

Dito ko lang pala makikita ang letching puso ko.

Ngunit,
  Isa sa mga Plano ko ang lisanin ang lugar namin noon dahil sa problema. Pero di talaga ako naka alis, sa halip kumuha ako ng scholarship para masundan ko at makita ko siya Lage. Dahil narin siguro sa sakit ko na siya lang ang nakaka Lunas.

Bukas ulit BF.